Full Width CSS

Interactive NAT Grade 10 Reviewer (Araling Panlipunan) Part 3

1➤ Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

2➤ Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito?

3➤ Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women.

4➤ Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.

5➤ Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?

6➤ Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

7➤ Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay- pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang State Party sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa:

8➤ Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang- tao. Bilang isang empleyado, anong benespisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?

9➤ Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong.

10➤ Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

11➤ Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod.

12➤ Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang employer ang pagdadalang-tao at ang inaasahang petsa ng panganganak ng kanyang asawa?

13➤ Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa mga kababaihan at anak nito?

14➤ Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang empleyadong lalaki maliban sa:

15➤ Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.

16➤ Patuloy na nagpapatupad ang pamahalaan ng mga hakbang upang maitaguyod ang karapatan ng bawat isa sa edukasyon anuman ang kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hakbang na ito ng pamahalaan?

17➤ Kinakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang lalaki. Siya ay tinanggihan ng ilang mga ospital upang gamutin. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala?

18➤ Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?

19➤ Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-unahang mambabatas na transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?

20➤ Ang karahasan at diskriminasyon ay patuloy na nararanasan ng iba’t ibang kasarian sa lipunan. Kaya, ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito?

21➤ Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon upang maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na:

22➤ Ito ay pamimilit sa isang taong sumailalim sa isang sikolohikal na paggagamot, pagsusuri o kaya’y pagbimbin sa isang pasilidad na medikal.

23➤ Ayon sa Gender and Development ang lalaki at babae ay mayroong pantay na pagkakataon sa pagkukunan ng kabuhayan para sa pamilya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita nito?

24➤ Ito ay pagtatamasa ng mga kapasidad na legal sa lahat ng aspekto ng buhay anuman ang kasarian.

25➤ Isang aplikanteng lalaki ang hindi tinanggap sa paaralang kaniyang inaaplayan sapagkat pawang mga babae lamang ang nagtuturo rito. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nabalewala?

26➤ Ang pagpapaunlad ng kasarian ay hindi lamang para sa mga kalalakihan, ito ay para sa mga kababaihan din. Paano pinauunlad ng GAD ang kapakanan ng mga kababaihan?

27➤ Bakit pinaglalaanan ng pamahalaan ng 5% ng badget ang Gender and Development?

28➤ Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay pananagutan ng pamahalaan lalo pa ngayong panahon ng pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa empleyo anuman ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?

29➤ Ito ay tumutukoy sa isang pananaw at proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at pagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, pagbibigay proteksiyon sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao at sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at pagsasakatuparan ng kakayahan ng isang tao.

30➤ Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan?

Your score is

Post a Comment

0 Comments